palagi kitang pipiliin

lexi ୨୧
1 min readJul 15, 2024

--

Sa loob ng labing-lima kong taon na pamumuhay hindi ko akalain na makikilala kita. Sa aking pag lakad sa madilim na daan, ikaw ang naging ilaw. Sa paligid na puno ng ingay, sayo ko nahanap ang katahimikan. Sa mundong nakakapagod, ikaw ang pahinga.

Para kang isang bulaklak sa mainit na araw. Makasama ka’y puno ng saya. Kung ang pag-ibig natin ay isang krimen, buong puso akong lalabag.

Sa dagat ng libo-libong tao, ang imahe mo lang ang kabisado ko. Makita ko lamang ang anino mo, ako’y tatakbo agad sa mga bisig mo, dahil sa mga yakap at presensya mo, alam kong ligtas ako. Sa buhay na puro pag dududa, ikaw ang katiyakan ko

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong saya kapag kasama ka. Basta ang alam ko, kapag kausap na kita nawawala ang aking mga problema. Problema na, ikaw lamang ang makaka-resulba.

Kahit ang mundo’y guguho na, isang bagay ang hindi ko itatangi. Mahal kita. Araw-araw. Hanggang walang hangan.

-A.L ౨ৎ ⋆。˚

happy 4th, baby.

--

--

lexi ୨୧
lexi ୨୧

Written by lexi ୨୧

"But poetry, beauty, romance, love, these are what we stay alive for” - John Keating, Dead Poets Society

No responses yet