ano ba kasi suot mo?

lexi ୨୧
Oct 5, 2024

--

isang tula.

bakit nyo sisisihin,
ang damit ng inosente,
hindi ba’t dapat mata ang inaayos,
hindi pananamit naming mga babae,
sabi nila madaling makatukso,
ang mga lalaking walang modo,
ngunit naisip nyo rin ba,
na ito’y seryosong isyu,
maikli,
mahaba,
kahit anong tela sa aming katawan,
"ano ba kasing suot mo?",
ang kanilang laging tinatanong,
danas ko ang di pantay na mundo,
para sa mga kababaihan
.
-A.L

--

--

lexi ୨୧

"But poetry, beauty, romance, love, these are what we stay alive for” - John Keating, Dead Poets Society